Pagtalakay ng mga ASEAN Nations sa larangan ng edukasyon, itatampok sa Academic summit sa Pangasinan

Magiging host ang lalawigan ng Pangasinan sa isasagawang First International Academic Summit, isang pagtitipon ng mga Higher Education Institutions (HEIS) mula sa Southeast Asia at iba pang bansa sa Asya.

Ang Internantional Academic Exchange ay gaganapin sa Mayo 15 hanggang Mayo 16’ sa Sison auditorium sa bayan ng Lingayen Pangasinan, na layuning makahanap ng pagbabago para maging mas competitive sa iba pang institusyon sa boung mundo.

Kaakibat dito ang Southeast Asian Minister of Education Organization (SEAMEO) Innotech at ng Provincial Government ng Pangasinan.

Nagpahayag naman ng buong pagsuporta si Governor Amado Espino, Jr. para sa nasabing event, dahil nananiwala itong ang edukasyon ay “Greatest equalizer of Life.”

Speak Your Mind

*