Pagtama ng El Niño na posibleng magsimula sa buwan ng Hunyo, kinumpirma ng PAGASA Dagupan

Kinumpirma ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan na posibleng maramdaman ang epekto ng El Niño sa buwan ng Hunyo hanggang huling quarter ng taon at maaaring magtapos sa unang buwan ng 2015.

Nilinaw ni Dagupan Weather Bureau Chief Engr. Greg de Vera na ang ulan na mararanasan ng bansa ay mababawasan o mababa sa normal value ng ulan kaya’t mararanasan ang el niño taliwas sa paniniwala ng ilan na ang el niño ay dahil sa tag-tuyot o walang mararanasang ulan.

Sinabi pa ni de Vera na hindi maaaring maging dahilan na mawawala ang El Niño ng nararanasan ngayon na mga pag-uulan dahil ang inaasahang sentro ng pagtama ng El Niño ay sa buwan pa ng Oktubre o Nobyembre.

Inihayag naman ng PAGASA na hindi pa maaring ideklara na unti-unti nang nararamdaman ang mga senyales ng tag-ulan dahil nasa panahon  peak pa tayo ng summer season.

Speak Your Mind

*