Pagtandok sa mga nakagat ng aso sa La Union, ipagbabawal na

Hindi umano nakakagaling ang “tandok”, isang paraan ng panggagamot sa mga biktima ng kagat ng aso.

Bagkus ito ay isang paraan lang ng tradisyunal na panggagamot na isinasagawa ng “Quack Doctor” o albularyo na kung saan ay sinisipsip ang bahagi ng katawan ng biktima na nakagat ng anumang uri ng hayop upang alisin ang lason o kamandag nito.

Dahil dito, isinusulong ngayon ng Provincial Board Council sa lalawigan ng La Union ang isang panukalang magbabawal sa mga “Quack Doctors” na magsagawa ng “tandok” sa mga nabiktima ng kagat ng aso.

Ayon kay Provincial Board Member Reynaldo Musuela, Chairman ng Committee on Laws, Rules and Previleges, nais umano nilang pag-aralan ang gagawing panukala na maghihikayat na magpasuri agad sa ospital ang nabiktima ng kagat ng aso kaysa sa sumailalim sa “tandok” upang matiyak na hindi kakalat ang rabies sa katawan ng biktima.

Speak Your Mind

*