Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, ikinatuwa ang pagbasura sa kaniyang kasong graft

Ikinatuwa ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbasura ng Ombudsman sa kaniyang kasong graft.

Ito ayon kay Atty. Raul Lambino, abogado ni Arroyo ay kahit na matagal bago nadesisyunan ng Ombudsman ang kaso nito na may kinalaman sa 728-milyong pisong Fertilizer Fund Scam.

Iginiit ni Lambino na malinaw na pamumulitika lamang ang lahat ng mga kasong isinampa sa dating pangulo at ginamit lamang ito sa ambisyong pulitikal ng kaniyang mga kritiko.

Nakinabang aniya ng husto sa mga kasong ito ang mga kritiko ni Arroyo na hanggang ngayon ay patuloy na sinisiraan ang dating pangulo.

Speak Your Mind

*