Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, posibleng makapagpiyansa na sa kasong plunder

Posibleng payagan na ng sandiganbayan si Dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na makapagpiyansa.

Ito ayon sa sandiganbayan ay kung patuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng testigo sa kasong plunder ni arroyo.

Ginawa ni Justice Efren Dela Cruz ang pahayag matapos na muling hingin ng prosekusyon na ipagpaliban ang presentasyon ng mga saksi laban kay Arroyo.

Dahil dito, sinabi ni Dela Cruz na kung walang maihaharap na testigo ang prosekusyon ay maaaring makapag-piyansa si Arroyo.

Speak Your Mind

*