PANELCO III, nangakong ibalik ang sobrang nasingil sa mga consumers

Nangako ngayon ang Pangasinan Electric Cooperative, Inc. (PANELCO III) na kanyanag ire-refund sa mga consumers ang halagang nakolekta mula sa kanila na siningil nito sa buwan ng December 2013 at January 2014, na umano’y mali ang kalkulasyon ng billing sa mga buwan na nabanggit.

Ito ang siniguro ni Allan Casem, ang PANELCO III Officer-in-Charge General Manager, sa naganap na Sangguniang Panlalawigan (SP) inquiry noong lunes.

Ang nasabing refund ay bilang pagtalima sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong Marso kung saan inaatasan nito ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) para muling gawin ang computation sa presyo ng kanilang Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Speak Your Mind

*