PANELCO lll, nangako ng refund sa generation charge sa buwan ng Hunyo at Hulyo

Nangako na ng refund ang Pangasinan Electric Cooperative o PANELCO 3 sa generation charge sa buwan ng Hunyo at Hulyo ngayong taon.

Ang nasabing refund ay bilang pagtalima sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) kung saan inaatasan nito ang Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) para muling gawin ang computation sa presyo ng kanilang Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Dahil dito, natuklasang mali ang naging ang kalkulasyon ng billing sa mga consumers ang halagang nakolekta sa buwan ng December 2013 at January 2014.

Sinabi naman ni Allan Casem, ang PANELCO III Officer-in-Charge General Manager, na hindi pa nila matukoy kung magkano ang magiging refund dahil depende umano ito sa compitation ng PEMC.

Ang nasabing refund naman ay ibabawas lang sa bayarin ng mga consumer.

Speak Your Mind

*