Pangasinan, may pinakamataas na hinihinalang kaso ng tigdas sa Rehiyong Uno

Nanguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamataas na kaso ng tigdas sa buong Rehiyon Uno.

Ayon sa Department of Health Region (DOH-I), pumalo na sa mahigit sa isang libo isandaan at labing pito (1,117) ang hinihinalang kaso ng sakit kung saan 19 ang kumpirmado.

Pumangalawa naman ang La Union na nakapagtala ng 283 na kaso at anim ang kumpirmado, sinundan ito ng Ilocos Sur na mayroong 194 at Ilocos Norte na mayroong 119 na suspected cases.

Ayon sa DOH, isa sa dahilan sa mataas na kaso ng hinihinalang tigdas sa Pangasinan ay dahil ito ang may pinaka-malaking populasyon sa lahat ng apat na probinsya sa rehiyon.

Batay naman sa tala ng Provincial Health Office, karamihan sa mga hinihinalang dinapuan ng sakit ay nasa 14-25 years old na wala sa target range bagamat patuloy naman ang kanilang pagbibigay ng bakuna.

Speak Your Mind

*