Pangasinan, nananatiling ligtas sa nakamamatay na Mers Corona Virus.

Nananatiling ligtas ang lalawigan ng Pangasinan mula sa nakamamatay na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MersCov).

Ito ang pahayag ni Provincial Health Officer (PHO) Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman, matapos na mabalitaan na siyam na katao mula dito sa Pangasinan ang nailagay sa quarantine sa loob ng isang linggo ngunit natagpuang negatibo sila sa nasabing sakit.

Ang mga pangunahing sintomas ng MersCov ay lagnat, ubo, sipon sore throat, at hirap sa paghinga.

Samantala, nagbigay na ng direktiba si de Guzman sa labing apat na ospital ng probinsya na paigtingin ang kanilang alerto laban sa MersCov sa pamamagitan ng maigting na monitoring sa lahat ng pasyente na nagpapakita sa mga nasabing sintomas ng sakit.

Speak Your Mind

*