Pangatlong I-S-O certification ng Pangasinan, tinanggap ng Provincial Hospital

Tinanggap ng Provincial Government ng Pangasinan ang pangatlong International Organization for Standardization (ISO), para patotohanan ang mataas na kalidad na serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH).

Nai-turn over kahapon kay Governor Amado Espino Jr. kasama si OIC-Chief of Hospital Policarpio Manuel ang ISO 9001:2008 Certifications for the Pangasinan Provincial Hospital.

Ayon kay Renato Navarrete, ang Managing Director ng Certification International Philippines Inc., ang nasabing sertipikasyon ay iniisyu sa mga organisasyong tumutugon sa Standard for Quality Management System.

Matatandaang sa nakalipas na dalawang buwan, tinanggap ng lalawigan ng Pangasinan ang unang dalawang ISO certifications: isa para sa Administrative and Support Services Departments, at ang isa ay para sa Provincial Health Office.

Speak Your Mind

*