Pangungulekta ng Real Property Tax sa Sual coal fired powerplant hindi umano dapat pakialaman ng Sual LGU’s

Walang otoridad ang lokal na pamahalaan ng Sual Pangasinan na ipatupad ang mas mataas na singil sa Real Property Tax (RPT).

Ito ayon kay Provincial Administrator Raffy Baraan, dahil ang RPT ay buwis na pinapatupad ng provincial goverment.

Dagdag pa ni Baraan na ang papel na dapat gampanan pamahalaang lokal ng Sual bilang benepisiaryo ng naturang tax ay tanggapin ang 40% share nito at ang kasunduan ito ay nakalahad umano kontrata sa pagitan ng Sual LGU, at Sual coal fired powerplant ng NAPOCOR na syang nagmamay ari ng naturang planta.

Maalalang sinisingil ng lokal na pamahalaan ng Sual ang mahigit 410 milyong pesos na real property tax  sa Sual coal fired powerplant pero tinaggihan ito ng planta.

Speak Your Mind

*