Panibagong kaso ng media killing, kinondena ng Malakanyang

Kinondena ng Malacañang ang panibagong insidente ng media killing kung saan ay isang brodkaster/station manager sa tawi-tawi ang panibagong biktima.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na kaagad inatasan ni Pangulong Aquino ang Philippine National Police na imbestigahan at resolbahin ang pagpaslang kay Richard Najib, Station Manager ng DXMN-FM.

Si Najib na kilala rin bilang “D-J Troy” ay  naging  reporter din ng DXGD sa Jolo, Sulu bago ito lumipat sa DXNN Power Mix FM sa Tawi-Tawi.

Sinabi naman ni National Press Club President Joel Egco na isang kahihiyan kay pangulong Aquino ang patuloy na media killings.

Ipinagyabang pa naman aniya ng pangulo sa joint press conference nito kasama si US President Barack Obama na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang lutasin ang media killings at protektahan ang mga mamamahayag sa bansa.

Speak Your Mind

*