Pauleen Luna, hindi daw naging isyu ang edad sa kelasyon kay Vic Sotto

Binigyang-diin ng aktres na si Pauleen Luna na walang nagbago sa pagmamahal nito sa boyfriend at co-host na si Vic Sotto kahit pa naabot na ito sa pagiging senior citizen.

Reaksyon ito ng 25-year-old actress kasunod ng pagdiriwang ni “Bossing” sa kanyang 60th birthday noong Abril 28.

Ayon kay Luna, hindi kailanman magiging hadlang sa mahigit tatlong taon na nilang pagiging magkasintahan ang isyu sa age gap at pagkakaroon ng mga anak ni Vic.

Katunayan ay si Pauleen pa nga raw ang nagpapaalala kay Vic na laging maglaan ng oras at panahon para sa kanyang mga anak.

Speak Your Mind

*