Philippine Post Office, mas pinalakas ang serbisyo dito sa Pangasinan

Mananatili umano ang Philippine Postal Office, taliwas sa opinyon ng publiko na ito ay maglalaho o mawawala na dahil sa umuusbong na modernong teknolohiya.

Ayon kay Philpost President Cesar Sarino, mali ang iniisip ng ibang tao at ipinaliwanag nito na mas pinalakas pa nila ang kanilang serbisyo para ma-accommodate ang pangangailangan ng mga kababayan pilipino, kasabay ng inagurasyon ng dalawang postbanks dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon pa kay Sarino, ang pagsulpot ng paggamit ng internet ay nakabawas sa mga love letters sa post office mail, ngunit ang mga sulat para sa mga credit card bills, telephone bills, E-commerce, money-order products at mga junk mails ay mas lalong dumami.

Sa ngayon ay ipinapakilala ng Philpost ang bagong sistema ng operasyon nito kagaya ng mail delivery na abutin lamang ng isa’t kalahating araw para umabot ang sulat sa tatanggap nito.

Speak Your Mind

*