Philippine Volcanoes, naabot na ang number 52 sa world rugby rankings

Umakyat ang Philippine Volcanoes ng apat na baitang para malagak sa pinakamataas na inabot na No. 52 sa world rugby rankings

Ito ay dahil sa 26-25 victory ng Volcanoes sa Sri Lanka sa Asian Five Nations 2014 noong Mayo 17 sa Colombo.

Naka-post sa official website ng International Rugby Board ang paglagak ng Pilipinas sa IRB World Rankings, 20 taas sapul mag-debut sa No. 72 noong 2012.

Matatandaan na Noong 2012, nagmolde ng magkasunod na panalo ang national men’s rugby team sa Asian Five Nations Division One contest upang pumailanlang ng 16 na puwesto para maupo sa 56th sa loob lang ng dalawang linggo.

Speak Your Mind

*