Pilipinas umakyat ng isang baytang sa credit rating ng Standard and Poor’s Rating Services

Umakyat ng isang baytang ang Pilipinas sa credit rating ng Standard and Poor’s Ratings Services.

Mula sa dating BBB-negative, umakyat ang credit rating ng Pilipinas sa BBB, ang pinakamataas na natanggap ng bansa   mula sa alinmang credit ratings firm.

Ayon sa S-and-P, itinaas nila ang rating ng bansa dahil sa ipinatutupad na reporma ng pamahalaan.

Kinilala rin ng S-and-P ang mabuting paggastos ng pamahalaan sa pondo at pagbabayad ng mga pagkaka-utang nito.

Speak Your Mind

*