Pinakahuling pag-atake ng islamist group sa Nigeria, isandaan limampu katao ang patay

Aabot sa 150-katao ang iniulat na nasawi sa pinakahuling pag-atake ng Islamist Group sa Gamburu, Nigeria.

Ayon sa ulat, pinaniniwalaang ang karumal-dumal na karahasan ay kagagawan ng grupong Boko Haram na nasa likod din ng pagdukot sa mahigit 200 mga kabataang babae sa naturang bansa.

Sinasabing ang pag-atake ay isinasagawa habang abala ang mga namimili at nagtitinda sa bayan ng Gamburu.

Ayon sa mga testigo, sinunog ng nasabing grupo ang mga kabahayan, sasakyan at ilan sa mga biktima ay ginilitan sa leeg.

Posibleng umakyat pa ang bilang ng mga nasawi habang hinahalughog ng mga awtoridad ang pinangyarihan ng masaker.

Speak Your Mind

*