Piolo Pascual at Gerald Anderson, magsasama sa bagong sports show.

Matapos na magsama sa isang critically acclaimed movie na On the Job ay magkakasama uli sina Piolo Pascual at Gerald Anderson sa isang TV show.

Pero this time ay hindi sila aarte o magdadrama dahil hindi teleserye ang gagawin nila kundi sports show.

Tuwang-tuwa si Piolo dahil first time niyang magho-host ng sports show at ibang-iba ito kumpara sa ibang sports show na may pamagat na Team U, na magsisimula next month under ABS CBN Sports.

Ayon pa kay Piolo, iikot silang dalawa ni Gerald sa iba’t ibang pampublikong eskuwelahan at ipapakita kung paano pinaghahandaan ng mga manlalaro ang pagsabak sa kanilang sports.

Speak Your Mind

*