Police on guard, itatalaga ng Pangasinan PNP sa mga lugar malapit sa paaralan

Kasama na sa paghahanda ng Provincial Police Office o PPO ang pagtatala ng “Police on guard” sa mga eskwelahan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay upang masigurong ligtas ang mga estudyante sa muling pagbubukas ng klase lalot sa ganitomg panahon nagsusulputan ang mga petty crime tulad ng pandurukot at snatching.

Ayon kay PPO Public Information Officer P/Supt. Ryan Manongdo, may mga pulis na naka-civilian clothes ang magbabantay sa mga commercial site malapit sa eskuwelahan.

Sinabi pa ni Manongdo na magbabantay din ang pulisya sa mga kakalsadahan upang maiwasan ang mga traffic insident na maaaring makapagpabalam sa pagpasok ng mga estudyante.

Speak Your Mind

*