Portland Trail Blazers, panalo sa do-or-die game kontra San Antonio Spurs

Pinutol na ng Portland ang winning streak ng San Antonio nang sungkitin ng Blazers ang game four sa pagpapatuloy ng best-of-seven NBA Western Conference Finals!

Dahil dito, mabibigyan pa ng pagkakataon ang Portland na maipagpatuloy ang kanilang kampanya sa pagkakamit ng kampeyonato sa finals!

Umiskor si Damian Lillard ng 25 points para pangunahan ang panalo ng Blazers sa naganap na do-or-die game sa pagitan nito at ng San Antonio!

Nagtapos ang laban sa score na 103-92 pabor sa Portland Trail Blazers.

Nag-ambag naman ng 14 points, 14 rebounds at 8 assists si Nicolas Batum ng Blazers para tulungan ang buo niyang koponan na maipanalo ang natitira nila noong pag-asa para manalo sa finals!

Speak Your Mind

*