Problema ng bansa sa child labor, nasolusyunan ng Programang 4P’s ng DSWD

Malaking tulong ang Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para mabawasan ang child labor, isa sa problema ng bansa.

Ayon kay DSWD Region 1 Information Officer Irene Cubangbang, dahil sa tulong ng programa, ang mga bata ay naiwasang magtrabaho sa napakamurang edad.

Idinagdag pa ni Cubangbang, na mahigpit na nilang binabantanyan ang mga bata na sobrang nagtratrabaho para sa pamilya.

Hindi aniya dapat hayaan ng mga magulang na pagtrabahuin ang mga anak sa murang edad, bagkus dapat ay nasa paaralan ang mga ito at nag-aaral.

Speak Your Mind

*