Problema ng bullying sa mga paaralan, bibigyang pansin din ng PPO

Handa umano ang Provincial Police Office o PPO na tulungan ang Department of Education o DepEd na matugunan ang problema ng bullying sa mga paaralan.

Ayon kay PPO Information Officer P/Supt. Ryan Manongdo, kung mabibigyan ng pagkakataon ang PNP, handa silang magbigay ng lecture sa mga mag-aaral tungkol sa anti-bullying sa pagbubukas ng klase.

Iginiit ni Manongdo na mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga uri ng pambu-bully sa loob ng paaralan dahil hindi aniya ito nagbubulot ng maganda.

Kasabay nito, ipinabatid naman ng PPO sa mga magulang, guro at mag-aaral na handa ang pangasinan pnp na magbigay siguridad, upang matiyak na mapayapa ang pagbubukas ng klase ngayong taon.

Speak Your Mind

*