Problema sa pamemeke ng plaka, at mga kolorum, mawawakasan na – LTO Region 1

Tiniyak ng Land Transportation Office o LTO na masosolusyunan na ang mga insidente ng mga pamemeke ng plaka, carnap at laganap na kaso ng mga kolorum.

Ito ang inihayag ni LTO-Region 1 Director Teofilo “Jojo” Guadiz, oras na mailabas na ang mga bagong modernong plaka para sa mga pribado at pampublikong sasakyan.

Ayon kay Guadiz, ang mga bagong plaka ay mayroong bagong alphanumeric design at mga advanced security feature para hindi basta-basta mananakaw at mapeke dahil sa ilalagay na one-way screw na hindi madaling tanggalin.

Bukod parin aniya sa nakalagay ng barcode na mababasa ang lahat ng impormasyon ng sasakyan.

Sa bagong MV (motor vehicle) plates ay mayroon nang 3-letter, 4-number combination, at ang MC (motor cycle) plates ay nagtataglay ng 2-letter, 5-number combination.

Speak Your Mind

*