Produksyon ng bangus sa Dagupan, hindi maaapektuhan ng isasagawang fishpen demolition

Wala umanong dapat ipangamba ang mga Pangasinense sa posibleng pagbaba ng produksyon ng bangus sa lungsod ng Dagupan dahil sa isasagawang pagbabaklas sa mga illegal fishpen.

Ayon sa City Agriculture Office, umaabot sa mahigit dalawang libong metro tonelada ng bangus ang nagmumula sa mga fishpond kaya’t walang dapat ditong ipag-alala, lalo’t matagal nang ipinagbabawal ang pagpaparami ng bangus sa mga fishpen.

Sinabi pa ni City Agriculturist Emma Molina na ang isasagawang fishpen demolition ay para bigyang daan ang isasagawang dredging na tiyak na mas magpapataas sa produksyon ng bangus.

Samantala, tiniyak naman ng tanggapan na mananatili parin sa P90 hanggang P110 ang halaga ng bangus.

Speak Your Mind

*