Produksyon ng itlog, posibleng maapektuhan dahil sa init ng panahon

Pinangangambahan na rin ang posibleng epekto ng init ng panahon sa suplay ng manok at itlog sa ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.

Sa bayan ng Mapandan, ramdam na ng ilang negosyante ang pagbaba ng produksyon na itlog na nasa sampung porsyento pagpasok palang ng buwan ng Abril.

Ayon naman kay City Veterinary Officer Dr. Michael Maramba, dahil sa init na nararamdaman ng mga alagang manok, naiis-stess ito at naaapektuhan nito ang pagkain, pag-inom ng mga manok na mauuwi sa mababang produksyon ng itlog.

Upang maiwasan umano na mauwi sa pagkalugi ang negosyo sa pagmamamukan, ipinayo ni Maramba na dapat may maayos na bintilasyon ng kulungan ng manok, at iwasan na iharap nang direkta sa araw ang kulungan ng manok.

Speak Your Mind

*