Programa ng DENR at P-I-A laban sa climate change, ilulunsad sa buwan ng Hunyo

Plano ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Philippine Information Agency (PIA) dito sa Luzon, ang paglulunsad ng isang kampanya, bilang karagdagan sa lumalagong programa ng gobyerno para labanan ang climate change.

Ilulunsad na sa darating na Hunyo a-singko ang nasabing kampanya, sa pagdiriwang ng World Environment Day, na naka-angkla sa temang: “Nagbabago na ang panahon: Panahon na para magbago”

Sinabi ni P-I-A Director General Jose Mari Oquiena, ang isang taong programa ay magtatatag ng isang sustainable campaign na hindi nakadepende sa pondo at magreresulta ito sa pagtatayo ng iba’t ibang pagkilos.

Hinahamon ngayon ni Oquiena ang DENR at mga P-I-A officials na gumawa ng local advocacy plans na magiging epektibong solusyon sa hamon ng pagbabago ng panahon sa bawat rehiyon.

Speak Your Mind

*