Red Cross Pangasinan, target maabot ang standard requirement ng DOH sa suplay ng dugo.

Hindi umano magsasawa ang Philippine National Red Cross o PRC Dagupan Chapter na maabot ang required daily stock ng Department of Health o DOH sa suplay ng dugo.

Batay umano sa standard requirement ng DOH, dapat mayroong 119 stock na suplay ng dugo sa bawat araw, na siya naman target ng Red Cross Pangasinan pagsapit ng 2015.

Sinabi ni Floramae Magalong, ang PRC Dagupan Chapter Administrator, na bagamat hindi nila naaabot sa ngayon ang stock ng dugo, namimintina naman nila na hindi sila magkukulang sa dugo para sa pangangailangan ng mga Pangasinense.

Patuloy din umano ang pagsasagawa nila ng mga blood letting activity, mass mobile blood donation at imformation drive upang mas makalakap ng mas maraming donasyon ng dugo.

Speak Your Mind

*