Rocco Nacino, ayaw pa ring umamin sa tunay na ‘status’ nila ni Lovi Poe

Ano na nga ba ang real score between Rocco Nacino and Lovi Poe?!

Marami-rami na rin ang nag-i-speculate sa tunay na status ng kanilang relationship though patuloy ang pagiging tahimik ng dalawa sa isyu!

Ilang beses nang kinukulit ng press si Rocco at LOVI para magbigay man lang ng hint sa lagay ng kanilang relationship pero tumanggi silang pareho.

Hiling lang ni Rocco, ibalato na lang daw sana sa kanila ng publiko ang tungkol sa kanila ni Lovi.

Sobrang open na raw kasi sa madla ang lahat-lahat sa kanila kaya sana pagdating sa lovelife ay maging private daw muna ito.

Matatandaan na magkasamang nagbakasyon sa Europe sina Rocco at Lovi at sobrang sweet nila sa mga in-upload nilang photos!

Speak Your Mind

*