Rollback sa presyo ng langis, inaasahan sa linggong ito

Isang magandang balita ang ibibigay ng mga kompaniya ng langis sa mga motorista.

Ito’y dahil sa inaasahang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Nabatid na maglalaro sa 80-sentimos hanggang piso kada litro ang ibabawas sa presyo ng gasolina.

Habang mula 40 hanggang 60-sentimos kada litro naman ang inaasahang iru-rollback sa presyo ng diesel.

Posible rin umanong magbaba ng mula 45 hanggang 60-sentimos kada  litro ang  presyo  ng  kerosene.

Speak Your Mind

*