Rotational Irrigation, isasagawa ng NIA para matugunan ang kakulangan ng patubig

Magtatakda ng Rotational Irrigation ang National Irrigation Adminstration (NIA) sa bayan ng Sta. Barbara at Malasiqui, Pangasinan para punan ang kaulangan ng tubig bunsod ng nararanasang tag-tuyot.

Bilang paghahanda narin ani nia Provincial Director Engr. Renato Milan ang hakbang na ito upang maaagang makapagtanim ang mga magsasaka na una ng nalugi nitong huling anihan.

Inaasahan narin umano ng ahensya ang pagtama ng El Nino na posibleng magtagal ng hanggang sa unang buwan ng susunod na taon kaya’t dapat mahati-hati ang mga patubig para sa mga magsasaka.

Samantala, nagpahayag na ng pagsuporta ang Office of the Provincial Agriculturist o OPAG sa mga magsasaka na maapektuhan ng tag-tuyot sa pamamagitan ng mga water pump.

Speak Your Mind

*