Russia, hindi pa rin tinutupad ang ipinangakong lisanin ang mga lugar na sakop ng Ukraine

Walang balak na umalis ang pwersa ng russia sa mga lugar na sakop ng border ng Ukraine!

Ito ang kinumpirma ng North Atlantic Treaty Organization o Nato!

Ayon sa NATO, walang senyales na tinutupad na ng Russia ang nauna nitong sinabi na babalik na sa kanilang permanenteng bases ang mga tropa ng Russia.

Naniniwala ang Ukraine na ang pag-alis ng Russian troops sa mga lugar na sakop ng Ukraine ay makakatulong para maibaba ang tensyon sa bansa.

Napag-alamang, aabot sa 4,000 ang bilang ng tropa ng Russia na naka-poste sa iba’t ibang lugar na sakop ng border ng Ukraine.

Speak Your Mind

*