“Safe Motherhood”, isinusulong sa Pangasinan

Isinusulong ngayon ng Pangasinan Government at Department of Health o DOH ang “Safe Motherhood” upang matiyak na ligtas at malusog ang ina mula sa pagbubuntis hanggang panganganak.

Ito ay kaugnay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 200 na nilagdaan noong 2002, na nagdidineklara na ang pangalawang linggo ng Mayo bilang “Safe Motherhood Week”.

Ayon kay Pangasinan Provincial Hospital (PPH) Head Clinic Dr. Karlo Ordunya, layunin nito na ipaalala sa mga inang nagbubuntis ang kahalagahan ng regular na pagpapa-check-up upang maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer na karaniwang sakit ng mga kababaihan.

Mahalaga rin umano na malaman at maisulong ang kalagayan, kapakanan at kaligtasan ng kababaihan sa mga lalawigan habang sila ay nagbubuntis, at ang kaligtasan ng mga batang kanilang ipinagbubuntis.

Speak Your Mind

*