Sakit na dengue, binabantayan na rin sa Pangasinan

Dahil unti-unti nang nararamdaman ang pag-uulan, binabantayan na rin ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang nakamamatay na sakit na dengue.

Hindi umano nagbabago ang monitoring ng Municipal Health Office o MHO Calasiao sa sakit na dengue lalo’t ang bayan ang isa sa may pinakamataas na kaso ng dengue sa lalawigan.

Sa ngayon, umaabot palang sa labing dalawa ang suspected dengue cases na naitalala ng MHU Calasiao kumpara sa walumpu’t pitong kaso ang noong nakaraang taon sa kaparehas na panahon.

Nagpaalala naman si MHU Officer Dr. Jesus De Vera na ugaliin ang paglilinis sa kapaligiran upang makaiwas sa dengue, at kung sakaling kakitaan ng sintomas ng dengue ang pasyente ay agad itong dalhin sa pagamutan.

Speak Your Mind

*