San Carlos City, itinigil na ang pagbibigay ng prangkisa sa mga tricycle driver at operator

Pansamantalang itinigil ng Sangguniang Panglungsod ng San Carlos ang pagbibigay ng prangkisa ng tricycle dahil sa mataas na bilang nito na nagiging problema na ng syudad.

Ayon kay SP Secretary Atty. Jeneffer Balarbar, umabot na sa limit na limanlibong prangkisa ang naibigay ng lungsod kayat dapat na itong limitahan.

Nadiskubre pa ang SP San Carlos na mayroon ng walonglibong tricycle driver at operator ang pumapasada sa lungsod na karamihan ay paso na ang mga prangkisa.

Pinangangambahan pa na aabot sa sampu hanggang labin isang libong tricycle ang namamasada sa San Carlos mula sa mga karatig bayan na maituturing ng mga kolurum.

Samantala, pina-aaralan narin ng pamahalaan ng San Carlos ang pagpapatupad ng color coding sa mga tricycle na namamasada sa syudad.

Speak Your Mind

*