San Mig Coffee Coach Tim Cone, tiniyak na Mixers ang papasok sa finals ng PBA

Hindi naging madali para sa san mig coffee mixers ang target nitong makapasok sa PBA Commissioner’s Cup finals!

Aminado ang San Mig na hindi nito inaasahang magiging agresibo ang Air21 sa bawat paghaharap nila sa semifinals matchup.

Nasungkit ng express ang Game 1 ng best-of-five series pero bumawi ang Mixers at inangkin naman ang games 2 at 3.

Hindi naman agad sumuko ang Air21 at tiniyak na mapapasa-kamay nito ang game 4.

Ngayon ngang patas na ang Air21 at San Mig sa serye ay magiging deciding game na nila ang game 5.

Ayon kay San Mig Coach Tim Cone, dito na magkakaalaman kung sino sa express o Mixers ang mas mahusay na koponan dahil sinumang manalo sa kanila ay pasok na sa finals!

Kasunod nito, tiniyak ni Cone na San Mig ang papasok sa finals dahil hindi aniya papayag ang koponan niya na ‘di makuha ang PBA Commissioner’s Cup Championship Title!

Speak Your Mind

*