San Mig Coffee, tinambakan ng Talk ‘N Text; Mixers, gaganti raw sa game 3

Gumanti ang Talk ‘N Text at bumawi mula sa pagkakatalo nila sa game 1 ng nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup best-of-five finale sa Smart Araneta Coliseum kagabi!

Sa score na 86-76 ay hindi na nagpatumpik-tumpik ang Texters at inangkin ang game 2 ng torneyo para pantayan ang panalo ng San Mig Coffee sa best-of-five series!

Nanguna sa kampanya ng Texters si Jayson Castro na umiskor ng 30 points na nagpalayo ng tuluyan sa kalamangan ng kanyang koponan sa Mixers!

Ayon kay Talk N Text Coach Norman Black, matindi ang dalang momentum ng kanyang koponan partikular na si Castro!

Aniya, hindi napigilan ng Mixers ang tuloy-tuloy na pag-score ni Castro kahit pa pinabantayan na ito kay San Mig Coffee Star Marc Pingris!

Pagtitiyak ni Black, asahan ang mas mainit at umaatikabong tagpo sa pagitan ng Talk N Text at San Mig Coffee sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup Finals!

Speak Your Mind

*