San Roque dam, kasali sa ulat ng pagasa na bumaba na ang antas ng tubig

Kasali ang San Roque dam sa Pangasinan-Benguet area na bumagsak na umano ang antas ng tubig kabilang ang pitong iba pang dam sa Luzon na pinagkukunan ng water suplay sa mga sakahan.

Ayon sa ulat ng PAGASA, tanging ang Pantabangan dam na lang sa Nueva Ecija ang nananatiling stable.

Kabilang sa mga may mababang water level ang Angat dam sa Bulacan; Ipo dam sa Bulacan; La Mesa dam sa Quezon City; Ambuklao dam sa Benguet; Binga dam sa Benguet; Magat dam sa Isabela at Caliraya dam sa lalawigan ng Laguna.

Ang ganitong kalagayan ay maaari pa umanong lumala kapag pumasok na ang el nino phenomenon.

Speak Your Mind

*