Sapat na silid aralan sa Dagupan, tiniyak ng DepEd sa pagbubukas ng klase

Tiniyak ng Department of Education o DepEd Dagupan na sapat ang mga silid aralan sa lungsod ng Dagupan para sa mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya.

Ayon kay DepEd Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, bagamat may kakulangan sa high school ay mayroon namang isinasagawang construction para dito at hindi pa naman aniya nagyayari sa Dagupan na nag ka-klase sa ilalim ng mga punong kahoy.

Batay sa tala ng DepEd Dagupan, umaabot sa mahigt 12 libo sa sekondarya, mahigit 20 libo sa elementarya at mahigit isang libo sa kender garten ang bilang ng mga mag-aaral sa syudad.

Inaasahan naman ni Dr. Torres na mas tataas ang bilang ng mga estudyante sa Dagupan lalot ang lungsod ang napiling maging pilot ng “Abot alam project” ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino sa layuning maabot ang mga kabataang hindi nag-aaral.

Speak Your Mind

*