Scholarships para sa isang libong kabataan sa Dagupan, ibinigay

Namahagi ang pamahalaang lokal sa Dagupan ng scholarships sa isang libong kabataan upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral at makatapos ng kursong bokasyonal.

Kaisa ng Pamahalaang Panlungsod ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Pangasinan Association of Private Technical Vocational Institutions (PATVI) sa pamamahagi ng scholarship.

Ayon kay Leah Aquino, Officer-in-Charge sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang tanggapan nila ang pumili sa mga benepisyaryo na nagmula sa mga pinakamahirap na pamilya sa lungsod para mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay at kinabukasan.

Sinabi pa ni TESDA Provincial Director Manuel Wong na makakapili ang mga iskolar ng anumang kursong bokasyonal na nais nilang kunin sa alinmang TESDA-accredited schools sa lungsod ng Dagupan kung saan ay libre ang kanilang matrikula, bayad sa pagsasanay at bayad sa pagsusulit.

Speak Your Mind

*