Seed Subsidy Program ng Calasiao sa mga magsasaka, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang seed subsidy program ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Calasiao, Pangasinan sa mga magsasaka para mas mapalago pa ang kanilang mga aning palay.

Layunin din umano ng seed subsidy program na matulungan ang mga magsasaka, dahil mas mapapaliit na ang kanilang puhunan sa halagang isanglibo dalawandaan kada kaban ng binhi, anim na raan na lamang ang kanilang babayaran dahil kalahati nito ay sagot na ng LGU’s.

Ayon kay Municipal Agriculturist Angelita Fabia, target naman ng lokal na pamahalaan ng Calasiao na maipamahagi ang subsidiya ngayong linggo.

Samantala, umaabot naman sa isang milyong pesos na pondo ang inilaan ng pamunuan ni Mayor Mark Roy Macanlalay sa nasabing seed subsidy program.

Speak Your Mind

*