Twitter, nalugi ng mahigit isang daang milyong dolyar

Aminado ang higanteng social networking site na Twitter na nalulugi na ito ng malaking halaga sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat, sinabi ng Twitter Management na aabot sa isandaan tatlumpot dalawang milyong dolyar ang ikinalugi nito.

Gayunpaman sa kabila nito ay kumita naman ito ng aabot sa dalawang daan limampung milyong dolyar kung saan ang dalawan daan dalawamput anim na milyong dolyar ay mula sa advertising.

Bagama’t nalugi, patuloy na nadagdagan pa ang mga active user ng twitter na aabot sa 255 milyon o umangat ng 5.8 porsyento sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Speak Your Mind

*