Special validation para sa mga social pension beneficiaries ng DSWD Region 1, kasado na

Isasagawa ng DSWD Region 1 sa susunod na araw ang Special validation para malaman ang poverty status ng mga benepisaryo ng senior citizens and Modified Conditional Cash Transfer for Families in Need of Special Protection (MCCT-FNSP).

Ayon kay DSWD Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo, ang gagawing validation ay gagarantiya na ipagpatuloy ang pagbibigay ng buwanang ayuda para sa mga social pension beneficiaries.

Ito rin ay paraan para mapaigting ang kredibilidad ng ‘listahanan database’ bilang prime source ng mga potensyal na benepisaryo at dito matutukoy ang mga idadagdag sa mga nauna ng benepisaryo.

Ngayon ay nakahanda na ang limampu’t pitong field support staff ng DSWD na magsasagawa ng special validation sa apat na probinsya ng Region 1.

Speak Your Mind

*