Sports events ng ‘KBP Sports Summer Saya’, magpapatuloy

May kapangyarihang pag-isahin at pagbuklurin ng sports ang mga tao, at dito nabubuo ang pagkakaibigan at muling mabuo ang mga dating kaibigan.

Sa layuning ito nakatutok ang hakbang ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)-Pangasinan Chapter sa pagsasagawa ng Sports festival para sa mga Media practitioners ng probinsya.

Ito ang “KBP Summer Sports Saya,” isang aktibidad para sa mga Legitimate Press members upang isulong ang pagkakaisa at pagsama-sama sa hanay ng mga mamamahayag, at isang ring paraan para makawala sa masalimuot na mga isyu ng lipunan.

Ang nasabing aktibidad ay sinimulan noong Abril bilang bahagi sa pagdiriwang ng KBP Month, at magpapatuloy ang mga palaro bukas sa West Central Elementary School, CSI Stadia at sa Lyceum Northwestern University para sa iba’t ibang sports events.

Speak Your Mind

*