Spurs, tinambakan ang Oklahoma sa game 1 ng Western Conference Finals

Nagwagi sa game 1 ng best-of-seven series ng Western Conference Finals ang San Antonio Spurs at tinambakan ang Oklahoma City Thunder sa iskor na 122-105.

Nanguna para sa pagkapanalo ng Spurs si Tim Duncan dala ang 27 puntos.

Nag-ambag din si Manu Ginobili ng 18 puntos, at kapwa may tig-16 puntos sina Kawhi Leonard at Danny Green.

Kumana rin ng 14 puntos at 12 assists si Tony Parker sa kabila ng tinamong Hamstring Injury.

Samantala, nagtala ng 28 puntos si MVP Kevin Durant na dinagdagan pa ng 25 puntos ni Russell Westbrook ngunit hindi sapat para maipanalo ang laro.

Speak Your Mind

*