Suplay ng asukal, higit pa sa pangangailangan ng buong bansa

Sapat pa rin ang suplay ng asukal para tugunan ang pangangailangan ng buong bansa.

Ito ang tiniyak ng Sugar Regulatory Administration o SRA kasunod ng pagsabing hindi pa kailangang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa sa kabila ng mataas na demand dito.

Ayon sa SRA, malapit nang matapos ang milling season at hindi na ito aabot pa ng buwan ng agosto kung kailan ito kadalasang natatapos.

Sinabi pa ng sra na ang lokal na konsumo ng asukal ngayong taon ay inaasahang papalo sa dalawang milyon at dalawangdaang libong metriko tonelada.

Samantala, ang produksyon naman ng nasabing produkto ay aabot sa dalawang milyon at apatnaraang milyong metriko tonelada kaya’t sapat na sapat pa rin ang supply nito para sa buong taon.

Speak Your Mind

*