Tech farming, iaalok na rin ng TESDA

Ipapakilala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kursong maaaring kunin ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagbubukas ng klase sa larangan ng makabagong teknolokiya sa pagtatanim at pangingisda.

Sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na inapruba­han ng mga opisyal ng ahensya ang pagbibigay ng prayoridad sa pitong qualification titles para sa pagsasaayos ng training regulations sa pagsasaka at pangingisda.

Kabilang, aniya, sa isasamang kurso sa kolehiyo ang farm machinery operations, farm machinery Servicing, Drying at Milling Processing Plant Servicing, Irrigation System Installation and Maintenance, Aquaculture NC III (mechanization), Biogas Systems Installation and Maintenance, at Dairy Processing.

Paliwanag pa ni Villanueva, panahon nang palitan ang makalumang pagtatanim at pangingisda kung saan ang kinabukasan nito ay nakasandal na rin umano sa Information Technology.

Speak Your Mind

*