Tennis top player Victoria Azarenka, umatras na sa 2014 French Open

Umatras na sa 2014 French Open si dating World’s Number 1 Tennis Player sa Women’s Division na si Victoria Azarenka.

Aminado si Azarenka na hindi pa siya tuluyang naka-rerekober mula sa tinamong injury sa kaliwang paa.

Huling naglaro sa BNP Paribas Open sa US ang Belarussian Tennis Star nitong Marso.

Gayunman, hindi rin nakapasok sa 2014 Italian Open at Mutua Madrid Open ang 24 anyos na manlalaro.

Aarangkada naman ang French Open sa Paris, France sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8.

Speak Your Mind

*