Thai Prime Minister Shinawatra, inireklamo ng pag-abuso sa kapangyarihan

Humarap na sa korte si Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra matapos ang umano’y pag-abuso niya sa kanyang kapangyarihan!

Ayon sa mga senador na naghain ng reklamo, nakinabang ang partido ni Shinawatra nang ilipat nito ang kanyang National Security Chief noong 2011.

Sakali’t mapatunayang guilty si Shinawatra ay maaari siyang matanggal sa kanyang posisyon at ma-ban sa pulitika sa loob ng limang taon.

Inaasahan namang mailalabas ang desisyon ng korte ngayong araw matapos ang ginawang pagdinig sa reklamo laban sa prime minister.

Sa kabila nito, naniniwala naman ang mga tagasuporta ni Shinawtra na bias ang korte.

Anila, inihain ang reklamo na wala namang walang basehan para sapilitang maalis si Shinawatra sa kanyang pwesto.

Speak Your Mind

*