Traffic re-routing, ipapatupad kasabay sa pagbubukas ng Calasiao Town Fiesta

Ikakasa bukas, araw ng Biyernes ang re-routing sa lahat ng mga pribado at pampublikong sasakyan na papasok sa bayan Ng Calasiao, Pangasinan.

Epektibo alas sais hanggang alas dyes ng umaga ang re-routing dahil sa “Civic parade” ang pormal na pagbubukas ng taunang selebrasyon ng Calasiao Town Fiesta na masusundan naman sa hapon mula alas sais hanggang alas otso ng gabi para sa prosisyon.

Ayon kay Calasiao PNP Chief P/Supt. Satur Ediong, ang lahat ng sasakyan na nagmumula sa lungsod ng Dagupan at magtutungo sa bayan ng Bayambang, Malasiqui at San Carlos ay kailangang dumaan sa Brgy. Banaoang.

Humingi naman ng pang-unawa ng Calasiao PNP sa mga motorista na makiisa sa ipapatupad na re-routing upang maiwasan na magkaroon ng hindi pagkaka-unawaan.

Speak Your Mind

*