Tropang Texters, isang panalo na lang ang susungkitin para makapasok sa finals

Nagkasubukan ng galing at bilis ang parehong koponan ng Rain or Shine at Talk n Text pero nanaig pa rin sa huli ang husay ng tropang Texters!

Wagi sa score na 94-87 ang Talk N Text sa paghaharap nila ng Rain or Shine sa Cuneta Astrodome kagabi sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup Best-of-Five Semifinals Showdown.

Kapansin-pansin ang mataas na momentum ng tropang Texters dahil ito ang posibleng kauna-unahang pagkakataon na makakapasok ang koponan sa finals!

Sa ngayon, hawak ng Talk N Text ang 2-to-nothing lead sa nagaganap na showdown sa pagitan nila at ng Rain or Shine!

Ipinagmamalaki ng tropang texters na ganado sila sa bawat laban lalo pa’t gusto pa nilang dagdagan pa ang labing tatlong sunod-sunod nilang panalo sa mga nakalipas nilang laro!

Speak Your Mind

*